Kung gusto niyo ng blog na may totoong kabuluhan, check niyo yung aiscracker.com (may link sa walang-pumapansin na blogwars sidebar).
First sem ko? Dalawang subject lang ang naaalala ko dun: Fil20 at Philo1.
Fil20 kasi first time akong maka-encounter ng lesbian intellectual. Tapos kahit late ako sa klase niya at minsan wala pang assignment, natutuwa pa rin siya sa kung ano mang ipasa ko sa kanya. Kasama ko pa yung blocmates ko, pero kahit anong pilit nila noong isama ako sa groupings, ako mismo ang lumalayo. Maarte kasi sila; sila kasi yung typical sosyal pips na kinaiinisan ko nung HS. Kaya ayun, sumama na lang ako sa mga bunch of science pips.
Philo 1 naman kasi dun ko naisip na baka pwede akong mag-attempt na mag-Writing Major. Parang wala naman akong choice noon; hindi ako confident speaker (I stutter. A lot.), lalong-lalo nang hindi ako theatre actor (although interested ako sa directing, pero kailangang dumaan sa acting class kaya no go yun), at yung secret major na Educ naman e hindi relevant sa interests ko. No choice kundi Writing. Thankfully na-enjoy ko naman, kahit pakiramdam ko e hindi nag-enjoy ang major na yun sa akin.
Sa totoo lang, yung Principles of Advertising at Creative Writing lang ang natatandaan ko noon na inaabangan ko. That's 6 units out of 141. Tapos, ironically enough, nakuha ko sila nang sabay sa isang sem. Naging best and worst sem ko tuloy yun kasi yung dalawang subjects na yun lang ang inatupag ko. (Sorry, Comsci 1)
Yun lang.
Recent Posts
0 comments:
Post a Comment