Recent Posts

Monday, June 1

pseudesign -- original shmoriginal

ang pseudesign ay ang occasional musings ng isang occasional game designer. walang tama sa sinasabi niya, meron lang truth. o ha, deep naman.


Ilang buwan ding naglalaro sa isip namin yung game concept, tapos every time may RFP (Request for Proposal) isinisingit namin yung mechanic, secretly wishing na kami nga yung unang nakaisip nun. Nang ma-greenlight na yung project nito lang May, medyo excited naman ako (pero sa totoo, mas exhausted, ewan ko ba). Parang nabunutan ako ng tinik; tapos na rin sa wakas, pwede na tayong matahimik. Kasama sa pagkasabik na yun ang idea na baka may mapu-prove na rin kami na hindi lang kami outsource company na dahan-dahang sinusuyo ng aming Australia (hehe). Ito na yung chance na mag-stretch nang konti, ito na siguro ang project na may presumably less client feedback than, say, Jumble or Moorhuhn. Parang okay naman ang lahat. Kahit mukhang burned out na ang ilan sa core team--sino bang hindi, parang wala pa yata silang break--mukhang maganda ang forecast ng project na 'to.

Pero siyempre palaging may twist.

Habang nagri-research kahapon, nag-send ang isang opismeyt ng link ng isang game na may kaparehong game mechanic. Check ko raw yung link and be amazed. Sure enough, na-amaze naman ako. Na naging disappointment. Na naging mild depression.

Tinanong ko kung anong keywords ang ginamit niya sa paghanap. Sabi niya blahblahblah at blahblahblah raw. A, mali, sabi ko. Ang ginamit ko kasi dati ay blahblahblah. Yun kasi ang habit ko kahit noong college--kapag may naiisip kang idea na sa tingin mo hindi pa nag-e-exist, google lang ang sagot. Or kung meron mang ganun, i-search mo kung yung twist na iniisip mo ay original pa. Kung hindi, bahala ka na sa buhay mo.

Tanda ko pa kung paano ko naisip (o nadiskubre, since nag-e-exist na siya mula pa nung 8-bit days) yung mechanic. Nakikitira pa kami sa CIIT noon, nasa front row ako. Wala pa akong sariling PC noon, kaya bitbit ko palagi yung laptop ko mula BiƱan hanggang QC. Tapos ayun, habang nagpi-pitch para sa isa na namang wasted GCP, dumating na lang basta yung idea. Dine-demo ko pa sa kamay ko kung paano mangyayari yun. Mukhang logical naman. Pumasa naman sa Google test. Aprub naman ang higher-ups.

Pero walang nangyari. Nag-pitch pa kami ng isang concept na may parehong mechanic. Tapos isa pa. Nakailang pitch pa kami na yun ang Key Gameplay Feature. Wala ring nangyari. Hanggang nitong May, na may nagkainteres ngang publisher, na sakto namang may lumabas nang isang game na may ganung concept din.

Ang una ko agad hinanap sa site ng game na yun ay yung copyright date. Aha, 2009! Hindi naman pala kami nalalayo, pero sayang lang talaga. Nag-collapse na yung USP ng product namin, tapos yung iba hindi naman ganun katibay. "Oh well" na lang talaga ang pwedeng sabihin.

Plan B na lang ay gawing mas interesting ang paggamit namin ng mechanic. At siyempre laruin ang "original" game for research. Yun muna ang update.



Here's an unsolicited, yet-to-be-googled idea: first-person, full 3D Object Hunt game.


____________________________________________________
Buti na lang walang pasok ngayon, pwedeng gumala sa mall habang nag-aasikaso ng mga papeles.

0 comments: