"E pucha, ano bang magagawa ko," sabi ni Askal, "buhay nila yon."
"Ganun na lang? Kasi buhay nila yun, wala ka nang masasabi?" pagmamatigas ni Pusakal.
Magkikibit-balikat si Askal. "E wala. Basta ganun. Di ka na nasanay."
"Ba't naman ako masasanay sa ganun. Katarantaduhan!"
"Ano pang sabihin mo, buhay nila 'yon. Kung gusto nilang umatras, e di umatras!"
Aabutin ni Pusakal ang lighter at magsisindi ulit ng isa pang stick. "Nasabi mo na ba dun sa isa na baka hindi na nga?"
"Hindi ko trabaho yun. Sila ang aatras, sila na'ng bahala."
"'Buti naman. Akala ko ikaw pa magsasabi, sumosobra na sila."
"Natututo naman ako," sabi na lang ni Askal. "Pahithit nga."
"Mukha mo. Ano tayo, magsyota? Bumili ka ng sarili mo."
Katahimikan.
Hindi makatiis si Pusakal. "Isang tanong lang, p're."
"Shoot."
"Bakit mo ulit ginagawa 'to?"
"Alin?"
"Ito. Ito."
Ayaw sanang sumagot ni Askal, pero pinilit din siya ng awtor ng maliit na blog post na 'to. "Nostalgia. Mahirap takasan ang nostalgia e."
"Ayos."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment