full roster ng mga kakilala sa woksyap:
ma'am libay: kwelang facilitator. mahilig sa 'chenelyn' at kung anu-ano pang salitang nagsisimula sa 'che-'.
mark: taga-comelec, masiglang nilalang at palaging may baong jokes sa workshop. musician. text-lingo minsan kung magsulat.
lilibeth: ang pinakamatanda raw sa grupo. may freshman na anak sa La Salle. nagwo-workshop daw dahil may mid-life crisis. mahilig sa classic themes sa kanyang mga gawa.
e: taga-comelec din. nagsusulat ng pinoy romance novels. maganda mag-plot, years of training siguro. palaging natatawa sa jokes ni mark.
michael: taga-visayas. IT instructor at nag-aaral ng Linux sa Diliman ngayong summer kaya sinabayan na rin niya ng iba pang workshop. tulad ko, madalas ding late ito sa workshop.
sunshine: unang 'sunshine' na nakilala ko, taga-MakatiMed. maraming kwento tungkol sa Filipino-Chinese community. insightful critic.
verna: incoming freshman sa UPD ng computer science. tahimik pero hindi mahiyain. malamang intimidated ng mga nakatatandang kasama?
mac: isa pang taga-COMELEC. medyo tahimik pero kwela rin. may magandang kwento sa ARMM adventures ng COMELEC. kasabay ni mark sa pag-uwi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment