Aha!
Bug Report #1: Green goos can pass through the leftmost wall in Genetic Sorting Machine levelDescription: Green goos get stuck in the wall (see attached image) when thrown at high speed. They can't be recovered once inside; have to restart the level to do so.
Steps to duplicate:
1. Drag some of the green goos to a space near the wall.
2. Move the camera so that the wall is not visible in the screen.
3. Throw the green goo to the left as fast as you can.
4. If there are other goos bouncing back, re-angle your shot so that they would hit/skid the upper wall before they hit the left wall.
Solution: Uh, I don't know -- probably a more goo-proof wall?
Tags:
gamestuff
boombloxing
Pure, explosive fun. We may not have the granddaddy of cuteness, but we're happy enough with this little wonder.Toshi is not a gaming laptop
So pinagtripan kong mag-download ng Portal: First Slice demo sa Steam nung isang araw. Buong gabi kong hinintay yun! Nang magising ako ng Monday morning, ayun na, ready na ang Portal demo.
Matagal ang loading, akala ko nag-hang. Isang blurry blue image lang ang nasa background at may maliit ng "Loading" text lang sa lower right corner. Nang luminaw ang image at lumabas na ang menu screen, dumeretso agad ako sa Settings para i-low lahat ng video settings ng game. Kailangan ganun e, Warcraft 3 lang ang kaya niyang i-load nang naka-high lahat ng settings.
Start New Game. Narinig ko na rin ang robotic voice ng, uh, robotic voice na yun. Welkam daw sabi niya. Welkam sa lab. Biglang bumukas ang pinakahihintay kong Portal. Ang Portal! Nariyan na siya!
Pagpasok ko biglang nag-black yung screen ko. Maya-maya'y may error message na.
Isang portal lang, di pa kinaya. Balik sa Photoshop at Vegas at Warcraft 3, Toshi. Hindi ka nababagay sa mundo nila.

Ang Libreng Sakay ayon sa kasulatan
Pasintabi muna sa mga religious at--teka, ba't ba ako magpapasintabi, e blog ko naman 'to? Basta kung ayaw mo ng usapang Soriano, e wala ka nang magagawa.
Nag-aabang ako kanina ng bus sa may Ayala Avenue, just like any other day. Siyempre iniisip ko na naman kung gaano katagal na naman ako tatayo sa bus hanggang MiniStop sa Buendia, kung ano na namang pelikula ang ipapalabas sa "HDTV" ng Bus X, at kung ano na naman ang kakainin ko sa KFC pagtawid ko sa overpass (Crispy Strips o Chicken Alfredo?).
Maya-maya, may tumigil na heavily stickered bus sa tapat namin. Tulad ng dati, nakipagsiksikan ulit ako, MRT-style. Pasigaw-sigaw pa si manong konduktor, binabalaan kaming mga sasakay na hanggang LRT lang sila. Bago ako sumakay, napansin kong may ilan sa nakapila na hindi sumakay at dumeretso sa susunod na bus. More space for me then.
Pagsakay ko pa lang, tumambad na sa akin ang kakaibang palabas sa HDTV: Itanong mo kay Soriano, Biblia ang Sasagot! Kakaiba ang taste ng drayber/kondukto ngayon a. Maya-maya'y napansin ko na hindi rin naniningil yung konduktor ng pamasahe. Tapos may binabasang dyaryo ang ilang pasahero: Ang Magandang Balita. Saka ko lang napansin na puro stickers ng UNTV ang loob ng bus. Nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng ebidensya, isang imahe na lang ang pumasok sa isip ko:

Pelikula na lang ni Van Damme, Chuck Norris, at Stephen Baldwin, please. Basta 'wag lang 'to.

jg
Subscribe to:
Posts (Atom)