Recent Posts

Tuesday, December 1

Sabay sa Wait ni Alexi Murdoch

 

Nagpatugtog si RO pauwi, random lang at wala rin naman siya sa mood makinig. May mga kasama kasi siya sa sasakyan, isa't kalahating lasing: si Labo na tulog, si Ydine na nagwawala, at si Fitz na walang tigil sa pag-aasikaso. Nagpaiwan na si Opel dahil magkakape muna siya sa kabilang kanto. Ilang beses ding pinindot ni RO ang Next sa kanyang player -- dahil random nga -- hanggang tumigil sa malamig na musika ni Alexi Murdoch. Tumingin siya sandali sa rearview mirror at natanaw niya ang nag-iingay na si Ydine, hawak ang kuwelyo ni Fitz na parang naghahamon.

"O sige, sabihin mo yan mamaya. Sabihin mo yan pag wala na 'tong si RO! Pakialam ko kay Labo, e alam na naman niya yun!" Pangungulit ni Ydine.

Kung ano man yung alam ni Labo na ayaw ipaalam sa kanya, wala nang pakialam si RO. Drive na lang, bulong niya sa sarili. Drive lang hanggang mahimasmasan ang kabarkada.

"Hon," lambing ni Fitz kay Yd (napakagat naman ng labi si RO sa kakornihan ng narinig), "tama na. Wala nang natutuwa sa ginagawa mo."

Kung gising siguro si Labo baka siya ang tuwang-tuwa dito. Baka nga binibidyo na ang buong sitwasyon. Na-tempt si RO na biglang mag-swerve para gisingin ang kapatid ni Fitz, pero naaalala niyang lasing nga si Ydine; baka sukahan niya ang kotse.

Liban sa gulong nangyayari sa passenger seat sa likod, tahimik naman ang gabi. Mahinang street lights na nakalinya hanggang sa dulo ng EDSA ang nakikita ni RO, at medyo konti lang ang ibang bumibiyahe. Tahimik din bawat intersection, wala halos tumatawid o humahabol sa green light. Mababaw lang ang tunog ng makina, halatang bagong paayos. Kung wala sigurong pasahero si RO, malamang sinasabayan na niya si Murdoch.

"San ba kayo, Fitz?" tanong niya pagkatapos ng ilang minutong awkward silence. "Malapit na'ng Cubao."

"Liko ka bang Aurora?"

"Hindi e. Pero kung gusto niyo--"

"A hindi, wag na. Madi-detour ka pa niyan p're. Kami na ni 'Bo bahala dito."

"Sige."

"Tanda mo, RO," biglang singit si Ydine, "yung sinabi ko sa 'yo dati?"

"Na?" Minatyagan niya ulit sa rearview mirror si Ydine, pero iniwasan niya ng tingin si Fitz. Marami-rami yatang nasabi 'tong si Ydine dati, at alin man dun ang sabihin niya ay paniguradong mauuwi lang sa katahimikan.

"Yung takot ko. 'Lam mo yun?"

"Gagamba?"

"Tange! Wag mo nga akong gaguhin, Ro. Alam kong alam mo yung sinasabi ko," palarong sabi ni Yd.

Nang walang sumagot kila RO man o Fitz, nagpatuloy lang siya: "Takot akong mamatay na parang wala man lang akong iniwang bigat sa mundo." Tumawa nang malakas si Yd. "Na ayokong maging forgettable ang existence ng nag-iisang Ydine Berna Y Estima."

"Oookay."

"Tangina ka, Ro, di ba sabi mo rin ayaw mo ring mauwi sa ganun?"

"Hon."

"Teka, Fitz, kami ni Ro ang nag-uusap. 'Maya ka na."

Gusto nang ibaba ni RO ang mga kasama, pero wala naman siyang magawa.

"Mas malala ka pa nga e, di ba, RO? Ikaw nga ... ikaw nga mas takot ka pang maaala ka sa totoong pangalan mo, tapos wala na silang maaalalang iba tungkol sa 'yo. Ikaw lang si Raphy Oswald Shea, born May 11, 1984, tapos ... POOF! Abo ka na lang. Pathetic, sabi mo." Biglang tawa si Ydine sabay handusay sa natamemeng si Fitz. Sandaling di gumalaw ang syota bago nito hinawakan ang lasing na babae.

Binagalan na ni RO ang takbo. Tanaw na niya ang overpass; susunod niyan, Cubao.

++

Limang minuto ang nakalipas, pinanonood na lang ni RO ang mga kabarkadang naglalakad papasok ng Aurora, nag-aabang ng taxi na maaaring magdala sa kanila pa-kung saan man. Si Labo gumegewang pa, mukhang mas lasing pa kay Ydine. Si Fitz akay ang syota, at ang syota may kwento pang isinasabay sa bawat hakbang. Pero wala nang naririnig si RO. Si Murdoch na lang ang kasama niya sa sasakyan. Paulit-ulit na siya sa pagsigaw ng "wait for me" sa gitna ng epic na paggitara.

Inabot ni RO ang CD player ng sasakyan niya. Maya-maya nahanap na niya ang buton na kanina pa siya tinatawag: Repeat.

Sunday, November 29

quickieview -- typical indies edition



Sunshine Cleaning -- sayang ang premise sa totoo lang: magkapatid na nakahanap ng niche market by cleaning up crime scenes after everyone else came in to have a look. Nandun lang talaga yung premise bilang hook, at pwedeng tumayo ang pelikula without it (pwede silang maging, I don't know, laundromat specialists for all I care). Ang dating talaga sa 'kin, kahit yun ang focus ng Sunshine Cleaning, parang nawalan ng interes yung writer sa pag-mesh ng buhay nila at nung actual job. Sure, naging impetus yun sa paghahanap nila ng purpose sa buhay, pero pagkatapos mong panoorin, parang wala lang. Walang impact, walang bigat. O baka naman namamanhid lang ako.

Superb performances by Amy Adams and Emily Blunt (na uncharacteristically may kataasan ang boses ngayon). Di ko alam kung bakit nandun pa si Alan Arkin (yung lolo sa Little Miss Sunshine); siguro para lang may makausap yung 'genius' na anak ng character ni Adams.

FTW: Yung train scene ni Blunt. Tsaka yung burning house scene sa huli.
FTL: Kawalan ng direksyon minsan, pero sige, baka dahil sa mga characters na yun.




Away We Go -- slightly unconventional roadtrip dramedy (di nasiraan, walang nag-walk out, walang away between the main characters) na may signature cynicism ni Sam Mendes (director) sa suburbia and the likes. In search of a place they'd dare call home, a couple started a rather haphazard journey across America, visiting friends and mere acquintances, until finally settling in a familiar territory (well, at least for one of them).

5 couples ang nagawa nilang bisitahin, yung unang tatlo parang straight out of the pages of Exaggerated Characters manual; seriously, someone's pushing the limits of portraying 'real' characters in an indie film. Nagsimula sa parents ng lalaki na parang walang pakialam sa mundo (at lilipad pa-Antwerp), then sa dating boss ng babae na walang ginawa kundi laitin ang mga anak niya, then sa super-zen hippie rich 'intellectual' na puro bullshit ang nalalaman ("I reject your aggression!" sigaw ni Maggie Gyllenhaal). Pakiramdam ko nasa sitcom ako.

Tapos biglang shift dun sa dalawang couple na may totoong problema, mas subtle ang atake, and ultimately mas kapani-paniwala kaysa dun sa naunang tatlo. Tapos uwian na. May nakuha ba yung mag-asawa sa mga taong in-expect nilang may mas magandang buhay kaysa sa kanila? Wala, kasi lahat sila screw-ups. Nawala lang yung doubts nila tungkol sa sarili nila.

FTW: Perfect ending. Minsan pag nagmumuni ako na iba na ang trabaho ko at nagsusulat na lang ako full-time ng mga pelikula, ito yung naiisip kong tipo ng ending na magwo-work: some obscure little song pounding your ears, your characters watching the sunset in silence, broken but sure of themselves. Chilling spoiler vid below:



FTL: Yung masyadong na-caricature siguro yung ibang mga characters. Wala man lang redeeming qualities, di ka man lang makiki-simpatya. Nandun lang talaga sila para magalit ka.

Saturday, November 28

the salmonella scraps - gogogo



Let's try this again, shall we?